1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Sunday, May 5, 2013

Chapter 1



“Hmm..”


Kinapa kapa ko yung kama ko. Hanggang sa nakuha ko rin yung kanina ko pang hinahanap. Kinusot ko naman ang mga mata ko at tinanggal yung mga muta ko kung meron man. Kinapa ko din yung bibig ko baka may panis na laway. Oo, kagigising ko lang kasi.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko at tingnan yung hawak kong alarm clock kung ano na bang oras na.


“7—“ agad akong bumangon.



“LATE NA AKOOOOOO!!!~”


Nagmadali naman akong umalis sa kama at nagdiretso sa banyo. Actually hindi na ako nagbasa ng buhok. Nagkuskos lang ako ng sabon sa buong katawan ko at nagsoot na agad ng uniporme ko. Kailangan kong magmadali dahil 30 minutes na lang ang kailangan ko bago magstart ang klase.

Agad kong sinoot yung robber shoes ko. at nagmadaling nag-ayos na din ng buhok.


“Hoy—kagigising mo lang ba?” napatingin naman ako kay Tita na mukhang kababalik lang galing sa pamamalengke niya.

“Nalate ho kasi ako ng gising.” Pinagpagan ko naman yung gusot gusot kong palda. Pati na rin yung pantaas kong uniporme. At inayos yung ribbon nito.

“Ayy tingnan mo ang sarili mo. mukha kang tubal!”

“Hahaha! Okay lang ho iyan! Wala naman hong makakapansin nito e! Alis na ho ako!” agad ko namang kinuha yung skateboard ko.

“Hoy bata ka! Nilabhan mo ba yang uniporme mo?!” nilingon ko si Tita at kinaway kaway ang kamay ko. Dinuro duro naman niya ako. “Gagamitin mo na naman yan skateboard mo! Baka madisgrasya ka!”



Sa wakas nakarating naman ako sa school on time. Agad naman akong tumakbo at inamoy amoy ko na rin yung uniporme ko. Medyo may amoy nga. Pero hayaan na hindi naman siya mabaho. Wag mo lang aamuyin! Hahahaha!


“Napanood mo ba blah blah blah..”

“Oo! Hay nakuu nakakainis talaga blah blah blah akala mo naman kagandahan!”

“Parang tanga nga lang yung kwento! hahaha”


Naglalakad na lang ako ngayon. Nasa 3rd floor na rin kasi ako. In two minutes magsisimula na ang klase.


“Oy Oy Oy!!” sabi ko dun sa mga lalaking nagtatakbuhan sa corridor.

“Sorry!” sabi naman nila sakin. At ang gugulo talaga nila.


“HOY WAG KAYONG TUMAKBO SA CORRIDOR!” napalingon ako at agad na pumasok sa classroom.

Nandyan na si Sir.



“Kalil!” nakita ko naman agad si Cludeth. Kinawayan ko siya.



Nagsimula ng mag-attendance si Sir. Then pagkatapos din nun agad din kaming pumunta ng cr. At nagpalit ng pe uniform.


“Nakarobber shoes ka na agad?”

Tumango ako, “Sira na rin kasi yung black shoes ko.”

“Ano? Bakit hindi mo ipaayos?” pag-aalala ni Cludeth.

“Gastos lang yun. Tara!” sabi ko naman sa kanya.



Dumiretso kaming lahat sa field at nagsimulang maglaro ng volleyball. At kung anu-ano pa. Ganito kami pag- pe time. Hindi talaga kami actually nagkaklase. Laro laro lang sa loob ng 3 oras.

Nung magtime naman. Recess naman namin. Kagulo na sa canteen sa sobrang daming estudyante. At kung hindi ka makikipag-unahan mauubusan ka ng pagkain.


“Nakakuha ako!” agad akong umupo sa tabi nila Cludeth at Pj.

“Nakipagsiksikan ka naman sa mga kalalakihan na yun.” Hangang hangang tanong pa rin ni Pj sakin.

Pinakita ko naman sa kanila yung muscles ko. “Malakas ata ito!” kumagat naman ako sa sandwich na nabili ko. Pero sa totoo lang cheese wiz lang naman yung palaman.


Ito ang school ko. Simple lang siya. Sooobrang simple. Hindi mo kailangan ng arte. Hindi mo kailangan makipagsabayan sa kung sino. Walang pakealamanan. Pwede mong gawin ang lahat. May limitation pero hindi ganon kahigpit ang mga rules. Dahil Public School ito. At halos lahat ng mga tao dito.. mahihirap gaya ko.

Ganon pa man ang isang simpleng estudyante na gaya ko ay naghahangad din ng malaki. Gusto rin namin ng karangyaan. Dahil sa mundong ito.. tanging pera lang ang nagpapatakbo sa lahat.


“Nasaan si Pj?” pagtataka ko. hindi na kasi sumabay si PJ pagbalik samin sa klase.

Nagkibit balikat lang si Cludeth.

“Agh yan boyfriend mo dapat hindi mo siya hinahayaan magcutting classes! Paano kung masangkot na naman yan sa gulo.” Napansin ko naman ang pagpout ni Cludeth. Kahit siya walang magawa sa pasaway na PJ na yun.

Hahanda talaga siya sakin kapag nagbigay na naman siya ng problema kay Cludeth.


Matalik na kaibigan ko sila Cludeth at PJ noon pa lang. Tapos naging sila na lang kamakailan. Hindi ko man lang nga napansin na inlove sila sa isa’t isa. I mean, hindi  kay PJ. Dahil sa sobrang pasaway ng lokong yun. Napakatamad pa at napakabasag-ulero. Marami na ngang nagrereklamo na teachers kay PJ kung hindi lang dahil kay Cludeth siguro hindi namin siya magiging kaklase.

Kahit Public School lang ito. Pagdating sa academics hindi naman kami nagpapahuli. Kahit pa sobrang napakapasaway talaga ng mga tao dito.



“Andyan na si PJ!”

Napatayo naman ako sa pagkakaupo ko. Nakita ko naman si PJ at ang maangas nitong lakad na parang bang wala siyang ginawang kalokohan ngayong araw na’to. Kung hindi lang ito boyfriend ng bestfriend ko matagal ko na rin itong inupakan.

“Tara na?”

“Saan ka ba nanggaling? Sinong kasama mo?” pag-aalala ni Cludeth.

“Sila Paolo lang. Naglaro lang kami ng basketball. Naggala. Nagpalipas lang ng oras. Ang boring kasi dito sa school.” Napairap naman ako. Heto na naman kasi siya sa pagsisinungalin niya.

Nauna naman akong maglakad sa kanila.


Pare-parehas lang kasi kami nila Cludeth at PJ ng daan pauwi. Kaya madalas kaming magkakasabay umuwi.

Bitbit-bitbit ko naman yung skateboard ko habang nasa likod ko sila Cludeth at PJ. Nagkukwentuhan sila. At naririnig ko naman ang mga kasinungalingang ito kay PJ. Pati na yung mga paghingi niya ng favor kay Cludeth related sa mga assignments namin.


“Sandali lang!” napatigil kami sa paglalakad nung mapasigaw si PJ. Sinagot niya yung tawag sa phone niya.

Napatingin naman sakin si Cludeth.


“Pota!” nagtaka kami sa biglang pagmumura ni PJ.

“May nangyari ba?”

Hindi niya sinagot si Cludeth at agad na tumakbo paalis.

“PJ!!!” lumingon sakin si Cludeth at agad din namang sinundan si PJ.


“Cludeth!” syempre sumunod din ako.

Kahit wala akong naiintindihan sa nangyayari.


Sinundan namin ni Cludeth si PJ. Kung saan man ito pumunta. Hanggang sa nakarating kami sa isang bakanteng lote na sobrang layo sa bayan. Halos konti lang ang mga taong napapadaan dito.

Napatigil kami sa kinatatayuan namin ng makita namin sila Paolo, Limmuel, at Ric na bumagsak sa lupa at duguan habang pinagsisisipa sila ng mga  isa-dalwa-lima.. siyam na lalaking iyon. May mga hawak silang baseball bat, golf bat, at kung anu ano pang mga bagay na pwedeng makasakit.


“Anong nangyayari..?” nasabi ko naman.

Tumatawa ang mga lalaking yun habang namimilipit na sa sakit sila Paolo, Lim, at Ric. Si Ric sumusuka na ng mga dugo.

Napakuyom ang mga kamao ko sa takot at galit. Agad naman akong napatingin kay PJ. At kahit siya nanginginig na. Sigurado may ginawa na naman silang kalokohan kaya nangyayari ito.


“Ang uniform na yun..” narinig ko namang sabi ni Cludeth.


“Oy kayo dyan!!!”

Parang nanigas kami nung marinig ang hindi familiar na boses na yun. Isa sa mga lalaking iyon ang tumatawag samin.


“Kaibigan ninyo ba ang mga taong ito?!”

Dahan dahan kaming tumingin, at nakita ko kung gaano karumaldumal ang pagtrato nila kila Paolo, Lim, at Ric. Wala silang awa. Duguan na sila pero parang hindi sila nakukuntento hanggang sa mapatay nila ang mga ito. Sino ba sila?!


“KAYO--!!!” biglang sumigaw si PJ. Pero agad ding naputol ang sasabihin niya dahil siguro sa takot—

Napaurong kami nung sinubukang lumapit samin ng mga lalaking yun.


“Ikaw nga. Kasama ka nga ng tatlong gunggong na’to, kanina. Alam mo ba kung ano lang ang ginawa ninyo kanina?” dinuro niya samin ang hawak niyang baseball bat.

Nagbigay naman sila ng way sa isang tao. At pinakita ng lalaking yun kung paano niya ulit saktan si Paolo.


“AHHH!!” umuubo na ng dugo si Paolo.

Naaawa ako. Natatakot. Pero mas nagagalit ako.

Lumunok ako ng laway, “Cludeth, tumawag ka ng pulis.” Bulong ko naman kay Cludeth.



Nabigla naman kami nung may biglang lumipad na bola papunta samin. At tumama ito sa kamay ni Cludeth.

“Aray!” sobrang bilis ng mga pangyayari.


“MANOOD KAYO KAPAG MAY GINAGAWA KAMING PALABAS!!~” mas lalo kaming natakot nung sumigaw na ang lalaking iyon.

Nanginginig na talaga ang mga kamay ko sa takot. Gusto ko ng tumakbo. Tumakas. Pero at the same time.. bigyan sila ng leksyon sa ginagawa nilang ito.


“Yo, walang silbi ang mga pulis samin. Hindi ninyo ba kami nakilala? Kami ata ang batas!”


Sabay sabay silang nagtawanan.

“Dapat pala hindi ko na lang ginawa yun. Para makita nila na nagsasabi tayo ng totoo.”

“Mabuti na yung ganito. Mas masarap atang maglaro pag mas intense ang situation.”


Tawa sila ng tawa.

Mas nakakatakot sila. At nakakatakot ang lalaking yun. Ang sama niyang makatingin. Yung lalaking walang awang sinabunutan at hinampas ang ulo ni Paolo. Siguro.. siya ang leader ng mga ito.


“TAMA NA ANG SATSAT!!!”

Napatigil kaming lahat nung biglang sumigaw si PJ.

Tanga! Takot na takot na rin naman siya. Hindi talaga siya nag-iisip. Kasalanan niyang lahat ng ito! At halata namang.. wala siyang magagawa.


“b-Bakit ninyo ba ito gi-ginag-gawa..”


Tumahimik ang paligid sa loob ng 5 segundo at pagkatapos bigla silang nagtawanan.


Nagstep-forward naman yung mukhang leader nila at sabay sabay din silang tumahimik.


“Kanina..



Tinakbuhan mo kami pagkatapos-mong-itama-yung-bola-ninyo-sa-mukha KO!”

Napakalamig ng boses niya pero halatang nananakot siya.

Napaurong tuloy ako para harangan si Cludeth. Alam ko mas natatakot siya kesa sakin.

Bumwelo naman yung mga kasama niya at kahit na anong oras mukhang susugod na sila samin. Sasaktan nila kami.


“Herald, paano yung mga babae?” narinig kong tanong nung isang lalaki.

Napatingin naman siya samin. Wala siyang sinabi pero—


“Kyaaaa~” bigla na lang may humigit samin ni Cludeth. “PJ!” sigaw pa niya.

Pilit akong nagpupumiglas pero wala din akong nagawa. “Simulan na!” at sinimulan na nilang bugbugin si PJ. Gusto kong may gawin. Pero napapikit lang ako ng mga mata.

Walo laban sa isa.


Habang ang isang yun pinapanood lang kung paano magdusa ang kasama namin. Napakasama nila!

Hindi ko sila kilala pero napakasasama nilang tao. Mga mayayaman! Alam ko na taga international school sila. Lahat ginagawa nila. Kahit ang makasakit ng kapwa nila at kahit makapatay sila! PERA! Pinapatakbo nila lahat ng bagay sa pera..


“TAMA NA! parang awa ninyo na.. PJ!!!” nakikita ko kung gaano nahihirapan si  Cludeth. Umiiyak na siya.

Wala akong magawa para damayan siya. Napakaduwag ko. napakahina!


“Hahhaaha heto pa!”


“AHH!!..”


Ayokong tumingin. Ayokong mapanood ang kaawa awang si PJ. Ayokong makita ang karumaldumal na pangyayaring ito. Wala silang awa.


“HAHAHAHA! Wala pala ang isang ito e.”

“Tumayo ka dyan! Di pa tayo tapos.


“TAMA NA PARANG AWA NINYO NA!!~”


Mga kasing edad lang namin sila diba?


“Herald, wala pa lang kwenta ang isang ito. Hindi man lang ako pinagpawisan.”


Paano ka pagpapawisan kung pinagkaisahan ninyo siya!


“Ano ng gagawin natin sa mga basurang ito?”


Kayo ang basura! Mga walang hiya kayo!


“AHHHH” napatingala ako nung marinig kong sumigaw si Cludeth.


Hinahalikan siya ng walang hiyang lalaking iyon!!

“Siguro naman may mapapala tayo sa mga babaeng ito.”

“Please.. wag.. parang awa ninyo---WAAAAH!!”


Kuyom na ang mga kamao ko. Ayokong nakikita ang mga kaibigan ko na ginaganito.


“Bakit lalaban ka miss?” may biglang humawak ng kamay ko.

“Mga tol, mukhang lalaban na ang isang ito.” Nagpumiglas ako.


“HMM!!” napatingin ulit ako kay Cludeth. Parang nirerape na nila siya!


“Mga taga-public school sila diba? Tss.” Narinig ko pang sabi ng leader nila.


Minamaliit nila kami.


“Anong gusto ninyong gawin ko sa isang ito.” Pilit akong nagpupumiglas. Galit na galit na ako.

“Mapagtitiisan naman ang isang ito e.” hinawakan niya ako sa mukha ko. Konti na lang papatak na ang mga luha ko.


“Parang awa ninyo na..” ang boses ni Cludeth.


“Ano miss..”

“HAHAHAHA.”






“TAMA NA!!!” sinipa ko naman ang lalaking yun sa paa niya.


Oo, ang hina hina ko.


*PAK*


Wala akong magawa.


“Damn—“



“*pant* BITAWAN NINYO SIYA!!!” tinulak ko naman yung lalaking nagtangkang hawakan si Cludeth. Nahimatay si Cludeth.


Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.


Napatigil sila sa ginawa ko. Pero soot pa rin nila ang mga nakakalokong ngiting yun. Hindi sila natatakot sakin. Sasaktan nila ako.


“Matapang ka hah---“ lumingon ako sa likod ko.




At sinampal ko ng malakas ang leader nila.





*SLAPPPPPP*




Ha.ha.ha.



Malakas na mararamdaman niya talaga ang galit na nararamdaman ko.



“The nerve..”

“Anong sa tingin niya ang ginawa niya..”

“You’re going to regret this—“



Naririnig ko ang mga bulungan ng mga kasama niya.

 Napayuko siya sa ginawa kong pagsampal.


Bago pa man siya makatingin sakin—





“AYOKO SA LAHAT NG MGA DUWAG NA KAGAYA MO!” at sinampal ko naman siya sa kanang pisngi niya.






Pagkatapos ng pangyayaring yun.. hindi ako nakatulog buong gabi sa kama ko.
HTML Comment Box is loading comments...