1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Friday, May 24, 2013

Chapter 2

Dalwang araw na rin ang nakakalipas pagkatapos ng incident na yun. Parang sa isang iglap lang nagkalimutan na lang bigla. Walang nakaalam ng nangyari. Hindi nakarating sa school. Walang kumalat na chismis. Hindi nakarating sa mga pulis ang balita. Back to normal na lang ulit.


Parang ngang wala naman talagang nangyari.

Oo ang weird pero yun ang totoo. Napag-alamanan ko na isa sa mga pinakamakapangyarihan sa bansa ang grupo na yun. Anak sila ng mga kilalang tao hindi lang sa bansa pati na rin sa ibang bansa. Kaya kahit ang matataas na tao walang magawa sa kanila. Tinitingala ang pangalan nila dito sa bansa. Na kahit ang mga pulis na sanang kakampi naming mga mahihirap ay tinatapak-tapakan lang nila. Ini-easy-easy lang nila ang lahat ng tao. Sila ang mga taong kinamumuhian ko ng sobra.


Ang laki ng nabago sa pagitan naming tatlo nila Cludeth at PJ nang dahil sa pamngyayaring yun. Nag-iiwasan kami. At parang mas minabuti namin na wag na lang magsalita tungkol dun. Magkalimutan ba.

Si Cludeth hindi na siya madalas nakakalabas ng bahay o sumasama sakin. Madalas pa siyang umaabsent na hindi naman talaga niya ginagawa. Kahit ang mga magulang niya hindi maintindihan ang mga nangyari. Wala ni isa samin ang may lakas ng loob na ikwento ang nangyari. Siguro nga masyado kaming natakot. Natrauma si Cludeth dahil sa nangyari. Madalas ko siyang makitang umiiyak. At bukod dun.. iniiwasan na siya ni PJ. Nagbreak na sila.

Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit wala akong magawa. Dahil siguro.. sa ayoko ng ipaalala sa kanila ang nangyari. Dahil sa tuwing lumalapit sakin si Cludeth ramdam ko na natatakot pa rin siya sa nangyari at sa mga pwedeng mangyari. Dalwang araw pa lang ang nakakalipas at hindi kami nakakasigurado kung hindi na nga kami babalikan ng mga taong yun.



"Deth! Naghintay ka ba ng matagal?" hingal na hingal akong lumapit sa kanya.

Parang wala siyang narinig. Nakatingin lang siya sa isang direksyon. At nung tumingin ako sa tinitingnan niya, nakita ko sila PJ at yung barkada niya.


"Deth.."

"Ah. Nandyan ka na pala, Kalil." ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay niya.


Tuwing dismissal, sinusundo si Cludeth ng Kuya niya. Hindi na kami nagkakasabay umuwi.


Kahit na tuwing umuuwi ako natatakot din ako na baka may mangyari nga habang nag-iisa lang ako. Nakakatakot naman talaga kasi ang nangyari. Kung maikukwento ko lang kay Tita ang nangyari.



"Hoy ikaw bata ka! Ngayong sabado sasamahan mo ako ng maaga sa palengke. Kailangan nating maibenta ng maaga ang mga damit na ito na nabili ko ng sale sa supermarket."


Puro tungkol lang din sa pera ang inaatupag ni Tita. Kaya sigurado kung sasabihin ko man ang tungkol sa gulong yun. Mababatukan lang niya ako o kaya baka tuluyan na niya akong palayasin dito sa bahay.


Basta lang kaming pumupwesto sa palengke tapos idi-display namin yung mga pinamili ni Tita tapos nun marami na kaming mga customer na naaagaw ang atenyon. Marami rin kakilala si Tita at magaling din siya sa pagsasalita. Kaya hindi kami nahihirapang magbenta, yun nga lang masisira ang diskarte namin kung may darating na pulis.


"Mabuti naman maaga tayong natapos. Oh may pupuntahan ka ba?" umiling naman ako tapos inayos ko na yung mga gamit namin.

"Eto." may inabot siya sakin. Pera. "Bumili ka ng makakain mo. Tinatamad akong magluto kaya ikaw na lang bahala sa pagkain mo."

Natawa naman ako.

"Okay lang naman po ako--"

"Ayy wag ng matigas ang ulo a! Sige na aalis na ako." kinuha naman niya yung mga gamit namin at iniwan na nga ako.

Pasimple talaga ni Tita. Alam ko naman ito lang yung way niya para magpasalamat sakin.


Hindi pa naman ako gutom e. Kasi nung umalis kami nag-almusal naman kami ni Tita. Medyo marami rin akong nakain a. The best naman kasi magluto si Tita. Kaya siguro itatabi ko na lang itong perang ito.



"Deth?" nakita ko na lang siya bigla sa labas ng isang shop.

Naglakad lakad naman kami. Limang araw na rin kaming hindi nakakagala. Hinihintay daw kasi niya ang mama niya sa pamamalengke kaya may oras pa naman daw.


"Gusto mag-ice cream?" nakangiti naman siyang tumango.


Naglakad lakad lang ulit kami pagkatapos bumili ng ice-cream hanggang sa inabot kami ng paglalakad hanggang sa may plaza.


"Sa tingin mo, tapos na?" tiningnan ko siya ng nagtataka.

"Limang araw na rin ang nakakalipas. Wala naman na akong masyadong napapansin na medyo weird. Sa tingin mo hindi na nila tayo guguluhin? Hindi naman sila maghihiganti dahil sa ginawa natin diba?" ang lungkot ng mukha niya. Natatakot pa rin si Cludeth.

I tried to smile calmly.

"Oo naman no! Natakot na ang mga yun dahil sa ginawa kong pagsapok sa kanilang leader." ngumiti siya pero halatang malungkot pa rin.

"Kung nakita mo lang kung paano ko sinaktan yung leader nila. Aiist natulala nga sila e.." bigla naman akong kinabahan sa mga pinagsasasabi ko. Naalala ko naman ang nangyaring yun.

Dahil sa totoo lang.. saming anim, ako yung may pinakamabigat na nagawa. Sinaktan ko yung pinakaleader nila at yung taong pinagmulan ng gulong ito. Kaya dapat ako ang mas lalong matakot.  Sinaktan ko yung tao. Sigurado papatayin ako ng mga yun pagnagbalik sila..


Naalala ko tuloy yung mga mukha nila.. at yung mukha nung lalaking yun.. Siguradong galit na galit siya.


"Hahaha." tumawa si Cludeth. Kaya nakitawa na lang ako.


Nagtext na yung mama niya kaya babalik na rin kami.


Kaso habang naglalakad kami. Nakasalubong namin si PJ. May kasama siyang babae. At nakapalupot ang babaeng yun sa may braso ni PJ. Hindi namin kilala yung babae. Pero sigurado ako na hindi namin siya kaklase.

Napansin ko ang malagkit na tingin ni Cludeth sa kanila. Napahinto pa siya. at parang hinintay talaga na dumaan sa tabi sila PJ. Ang lungkot ng mga mata niya.


"Kilala mo ba sila?" tanong nung babae.

"Hindi e." yun ang sinagot ni PJ. Na kinagulat ko.

Wala akong nagawa at hinayaan ko lang sila na lagpasan kami. Napakalapit na ni PJ nun at pwedeng pwede ko siyang sampalin sa harap mismo ng babaeng yun. Kaso masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi rin ako makapaniwala na itinanggi niya si Cludeth.

Tiningnan ko ulit si Cludeth. Ganon pa rin ang reaction niya. Nilingon ko ulit sila PJ masyado na silang malayo samin.


"Deth?"


Hindi agad siya nakapagsalita.


Feeling ko iiyak na siya sa mga oras na'to. Alam ko kung gaano kamahal ni Cludeth si PJ, napatunayan na niya sakin yun sa kabila ng lahat ng kagaguhan ni PJ. Pero hindi parin ako makapaniwala na magagawa ni PJ kay Cludeth ito. Kahit gago siya kahit na kailan hindi naman siya nambabae. Wala naman akong narinig na ganon siya. Pero ginawa niya yun sa harap mismo namin.


Kakabreak lang nila diba..


"Sige na, Kalil. Mauna na ako. Kita na lang tayo sa school." hindi niya ako tiningnan sa mga mata.

Nung umalis si Cludeth, ramdam ko na malungkot siya. Na nasaktan siya at ayaw lang niyang ipakita yun sakin. Hindi ko rin alam kung bakit.



Hindi ko alam kung paano ko iko-comfort si Cludeth. Sa klase kasi iniiwasan niya na pag-usapan yun. Ayoko naman talagang pag-usapan yun kung alam kong nasasaktan siya pero sana mag-open siya sakin at sabihin niya ang nararamdaman niya.


Pero kahit na ano pa lang iwas niya, mukhang sasaktan at sasaktan talaga siya ng katotohanan.


"Nagkita kayo ni Rina?"


Kumakain kami noon mismo sa loob ng tindahan ni Manang Martha. Isa sa mga may pwesto sa canteen.

Nung marinig naman namin ang usapan nila PJ at ng barkada niya. Dinig na dinig namin ang usapan nila dahil nasa loob nga kami. Hindi naman pati nila kami makikita dito dahil medyo maliit lang yung space at nakatalikod kami.


"Oo. Alam ninyo naman pati kung gaano ko kagusto yung babaeng yun."

"Tss tiba-tiba ka dun, pre. Alam mo naman yun--hmm malaki pare!" nagtawanan sila.

"Oo nga. Di gaya nung Cludeth na yun!"

Napatingin naman ako kay Cludeth. At gaya ko napatigil din siyang kumain. Pero yung mga mata niya.. nangingilid na yung mga luha niya.

"Break na nga pala kayo no. Pero.. okay lang ba yun pare na maggirlfriend ka ulit kahit isang linggo pa lang kayong break. Ang tagal ninyo rin kaya!"

"Manang matagal pa ba?" kuyom na yung mga kamao ko.

"Yun? Tss! Kung alam mo lang pare kung gaano ko yun kinaiinisan. Napakaarte. Hahalikan lang ayaw pa. Masyadong pakipot! Hindi naman kagandahan. Mas type ko pa nga yung bestfriend niya. Yung type ko kasi talaga yung mga wild. Hindi lang puro satsat pero marunong gumalaw. Hindi yung tatanga-tanga. Uto-uto din kasi yun. At napakabooorinnnng!" nagtawanan sila. Naiinis na talaga ako.

Bigla namang napatayo si Cludeth. Pero pinigilan ko siya--


"Yung ex-girlfriend kong iyon. Hindi ko naman talaga yun sineryoso. Kung alam mo lang kung nakailang girlfriend ako habang kami. Antanga kasi."

"Totoo ba yan? Ang galing mo ah!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Galit na galit na talaga ako.


"Dito ka lang." sabi ko naman kay Cludeth.


Umalis naman ako dun at agad na pinuntahan sila PJ. Hinarap ko sila.


"Oh hijo ito na yung pagkain ninyo."

"Heto ho ang bayad."


"PJ!" lumingon naman sila. Umalis na yung iba niyang kasama. Sila na lang ni Limuel.

"o-Oy Kalil." sabi ni Limuel. Lumapit ako sa kanila.

Ngumiti naman ng nakakaloko ang gago.

"Tingnan mo pare, pinag-uusapan lang natin siya pero ngayon nasa harap na natin siya. Siguro pinagbibigyan na ako ng tadhana--" hindi ko pinatapos yung sinasabi niya at kinuha ko yung pagkain niya at siyang sinampal sa pagmumukha niya.

"o-Oy Kalil! b-bayaran mo yan a!" tiningnan ko ng masama si Limuel agad naman siyang nanahimik.


"Ano bang PROBLEMA MO!" sinuntok ko naman siya.


"pppp-PJ!?"


"Ang kapal ng pagmumukha mo! Ano gwapo ka na niyan. Sa tingin mo dyan sa pinaggagagawa mo ang gwapo gwapo mo! Hah! Magpasalamat ka nga at pinagtitiisan ka lang ni Cludeth. Pati ako pinagtitiisan ka lang. Dahil ang totoo sukang suka ako sa pagmumukha mong mukha namang paa!" napatingin naman siya sakin. ang sama ng tingin niya.

"Anong sabi--" bigla namang may tumamang bola sa mukha niya.

Kaya ayun tumba siya.


Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng bola. Si Cludeth.


"Ma-iiiii-wan ko na kayo!" tumakbo naman si Limuel.


Tawa kami ng tawa ni Cludeth. Pero ako talaga yung pinakautas na sa kakatawa. Hindi talaga kasi ako makapaniwala na magagawa niya yun. Kasali siya sa basketball girls kaya napakadali lang sa kanya mambato ng bola. Kahit patpatin siya napakagaling niyang mag-3 points. Sino kayang tatanga-tanga sa kanila ni PJ no!?

Pagkatapos din nun, na-principal office kami. Pero hindi kami nagsisisi ni Cludeth. Mas gumaan daw ang loob niya dahil alam na niya kung sino ang mga taong dapat niyang pagkatiwalaan.



"Bye bye, Kalil." sinundo na siya ng Kuya niya. At uuwi na ulit ako mag-isa.

Ang weird lang habang papauwi na ako pakiramdam ko may sumusunod sakin. Ilang beses din akong nagpalingon lingon sa paligid ko pero wala naman. Natakot ako  na baka ito na yung araw ng paghihigantihan ako ng mga lalaking yun.


"Kalil!" kinalibutan ako nung tawagin nila ako.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nung maramdaman ko naman na papalapit siya. Agad akong pumorma. Kampeon ata ako sa karate noon no.


"Kung akala mo uurungan kita, nagkakamali k--" napatigil ako sa pagsasalita nung si PJ ang makita ko. Ang sama ng tingin niya sakin.


 "Oy ikaw babae ka--"sasaktan niya ako nung bigla may tumigil na isang magarang kotse sa tabi namin.

May dalwang nakaitim na malalaking lalaki ang lumabas at lumapit samin.


"Ikaw ba si Kalil Alvarado." kahit si PJ natakot. Balak pa niyang iwan ako.

"PJ!!--" sinubukan kong humingi ng tulong sa kaniya pero agad siyang nakatakbo.


Sinubukan ko ring tumakas. Pero hindi ko alam kung bakit wala akong nagawa at nagpadala ako sa takot. Dinukot ako ng mga lalaking yun at may kung ano silang pinangtakip sa bibig ko na siyang naamoy ko at dahilan ng pagkawalan ko ng malay.



Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog. nung magising naman ako, hindi ko na alam kung nasaan ako. At napapaligiran ako ng mga babaeng puti. Hawak nila ako sa paa at kamay. May ginagawa sila sakin.


"s-Sino?" takot na takot ako at gulat na gulat sa nangyayari.


May ginagawa sila sa paa ko. Hindi ko alam kung ano! May ginagawa sila sa kamay ko! Hindi ko rin alam kung ano! May ginagawa sila sa buhok, balat, mukha, at katawan koooo! At hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ang lahat ng ito!!


Nung matapos nila akong pag-experimentuhan. May isang matanda na hindi naman katandaan ang naghatid sakin sa isang lugar. May naghihintay daw kasi sakin. Iniwan niya ako dun at sumunod lang ako.


Napakalaki ng lugar na yun. Pakiramdam ko nasa isang 5-star hotel ako. Parang hindi ata ito sa Pilipinas. Napakagara ng lahat. Ito ang unang pagkakataon sa talang buhay ko. At yung ginawa nila sakin kanina napakasarap sa pakiramdam. Kung anu-anong ginawa nila sakin pero napakagaan naman ng pakiramdam ko. First time.


At siguro ito yung kabayaran sa lahat ng problema na dinanas ko this past few days..



"Finally, you're here."


May biglang nagsalita. Hinanap ko yung boses.


May isang lalakiboys in the flower garden photo actor-yoo-seung-ho-will-be-joining-the-new-mbc-wednesday-and-thursday-drama-i-miss-you.jpg na bumababa sa hagdanan. Tinitigan ko lang siya.



Hanggang sa nakababa siya at nagkatitigan kami. Ngumiti siya at napakunot naman ako ng noo.



"You're beautiful and lovely like a flower. I love these changes of yours. Maganda ka pala pagnabihisan." biglang kumulo ang dugo ko at nakaramdam ng galit.



Ang walang hiyang lalaking dahilan ng bangungot ko at ang lalaking kaharap ko ngayon, ay iisa.



Hindi ito magandang panaginip. Dahil ito ang pinakaWORST NIGHTMARE I ever had sa talang buhay ko. Anong ginagawa niya dito!?
HTML Comment Box is loading comments...