"Dammit!"
"Okay lang yan, Herald. Inom ka muna oh--" tiningnan ko siya ng masama agad naman niyang inalis yung kamay niya sa balikat ko.
Tinapon ko kung saan yung dart na hawak ko. At umupo na lamang. Nababadtrip talaga ako.
"I'll teach you baby. First, stand up straight. You can't move your upper body.."
"Nagmamanyak na naman itong si Azzan oh."
"WOAAHH!!"
"Hey, don't just sit there--" tiningnan ko naman ng masama yung babaeng nagtangkang lumapit sakin. Mabuti na lang agad din siyang nilayo ni Xander.
"I'll come play with you later, baby."
"What's with him?"
"PMS kasi yan ngayon." nakita ko pa silang nagbubulungan. Nakakasuka!
Lumapit din naman agad siya sakin pagkatapos niyang ilayo ang babaeng yun.
"So what's the plan? Gusto mo bang paglaruan muna namin bago tuluyan. Don't worry this time magiging malinis na talaga ang lahat. Malinis na malinis. Just say so."
I run my fingers through my hair out of distress and glare at him.
"Gusto mo ikaw ang unahin ko."
"Chill. Magkakampi tayo dito. Sige, masyadong nga namang violent yung term ko. Ang gusto ko lang naman, paghigantihan ka."
Iniwasan ko siya ng tingin. Naalala ko na naman yung pangyayaring yun. At hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi maalis alis sa isipan ko ang babaeng yun. It's been three days, but I can still feel her hands here. Oo, masakit. Pero hindi ako nakaramdam ng galit. Instead, nabigla lang ako sa ginawa niyang yun.
There's something about that girl. At gusto kong malaman kung ano yun..
"I'll get revenge on her. And I'll make sure she'll suffer.."
I keep thinking that sort of things. I should keep her by my side para malaman ko kung ano itong nararamdaman ko. Ito ang unang pagkakataon, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. Naiinis ako at hindi ko maintindihan. Dapat magbayad ang babaeng yun. I really make sure she'll pay for this.
"Young master, nandito na po ang mga inutusan ninyong tao."
Narinig kong sabi ni Adam ang butler ko. Hindi pa rin ako humaharap at sa tv pa rin ako nakatingin.
"Sir, heto na po ang mga gusto ninyong malaman." may inabot silang envelop sakin.
Binuksan ko naman ito. At nakita ko ang iba't ibang pictures na kinuhanan nila.
"Wala na po siyang mga magulang. Yung kapatid na lang po ng kanyang ina ang nag-aalaga sa kanya. Ang maliit na bahay po na iyan ang natitirang alaala ng kanyang ina at diyan po sila tumitira. Sa isang public school po siya nag-aaral at tinutulungan niya ang tita niya sa pagtatrabaho. Nandito po ang ibang inpormasyon na gusto ninyong malaman." binasa ko ang mga yun. Pero hindi ko tinapos.
"Makakaalis na kayo." yumuko naman sila at umalis din pagkatapos.
"Kalil Alvarado. Ang lakas ng loob mo." tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang cellphone ko.
"May iuutos ako. May isang babaeng nagngangalang Kalil Alvarado. Find her and bring her to me." ni-end ko yung call.
Umabot ng limang oras ang paghahanda. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko habang naghihintay. Kung anu ano ng ginawa ko.
"Adam!"
"y-Young master?" tiningnan ko siya ng masama. "m-Mga 30 minutes pa daw po! Pagka-kkatapos na-nandun na po siya." takot na takot ito. Tumalikod naman ako.
Naghanap na lang ako ng isosoot ko.
Pumunta ako sa napag-usapan. Sa baba, nakita ko siya na nakatingin lang kung saan. Pinanood ko na muna siya. Mukhang naman siyang masaya.

"You're finally here." hinanap niya kung sinong nagsalita. Hanggang sa nakita niya rin ako.
Nilapitan ko siya.
"Look at what money can do." tinitigan ko siya ulo hanggang paa. Sobrang ganda niya. Kahit naman nung una ko siyang makita alam kong may iba na sa kaniya.
Nakangiti lang ako habang ang sama sama pa rin ng tingin niya sakin. Mas gusto ko talaga na ganyan siya. Matapang.
"Anong ginagawa mo dito!" this time magkasalubong na yung mga kilay niya. Natawa tuloy ako. Alam na niya siguro na nakita ko ang mga pinaggagagawa niya kanina.
"This is my house." inikutan ko siya. At hinawakan sa balikat. "Okay lang na ienjoy mo ang oras na'to." pinaharap ko siya sa salamin.
"Maganda ka pala pagnabihisan. Even an ordinary girl could shine after a make-over." tiningnan niya ako ng masama at agad na lumayo.
"So, bahay mo pala ito! Alam mo ba na kidnapping itong ginagawa mo. Mabigat na krimen ito!" hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Nakalimutan ata ng babaeng ito na wala namang magagawa ang mga pulis.
Naiinis pa rin siya. Kaya naisip kong ibahin yung mood.
"Do you know how much was spent on you from head to toe?" parang napaisip siya at nawala yung pagkunot ng mga kilay niya.
"100,000 pesos." nanlaki yung mga mata niya.
"IKAW! Sinadya mo ito para ibaon ako sa utang, gusto mo talagang maghiganti sa ginawa kong pagsapok--"
"Shut up!" tumahimik naman siya. "I'm just giving you a chance to be with me. I'll give you a life of luxury."
"Nababaliw ka na. Nabagok ba yung ulo mo pagkatapos kitang sapukin! At sa tingin mo utouto ako para magpakatanga sayo!" nabigla ako sa sinabi niya. Pero may konting paghanga.
"Do you know innumerable women are eyeing me tapos nirereject mo lang ako? You're the crazy one!" ibang klase talaga siya.
"Sinong tanga ang gustong magpaalipin sayo!" hinubad niya yung soot niyang sapatos at binato kung saan.
"Sinong may sabing gagawin kitang alipin?" bulong ko.
"Aalis na ako. IBALIK NINYO ANG UNIFORM KO."
Hindi ko maintindihan kung anong utak meron ang babaeng yun. Kung bakit niya tinanggihan ang inooffer ko? Kung tutuusin higit pa siyang nanalo sa lottery kung tatanggapin niya ang offer ko. Ano ba kasing problema niya.
"Young master." nakita ko si Adam sa likod ko sa reflection.
"Hayaan ninyo lang siya."
Tingnan natin Alvarado kung sinong unang susuko sating dalwa.
Kalil's P.O.V.
"Nasaan?"
"Nasaan?"
"NASAAN BA ANG DAAN PALABAS!?"
Sobrang laki ng bahay na yun. Parang mas malaki pa ata sa bahay ng presidente. Halos hiningal ako kakatakbo mahanap lang yung daan palabas. Sa sobrang laki ng bahay na yun mapagkakamalan mong hotel na may mall. Nanakit ang paa ko.
Ibang klase talaga. Bukod sa may salon na sila. Ang dami pa nilang kwarto. Anu-ano pa kayang meron sa bahay na yun. Sobrang laki talaga na hindi ko maisip kung anong meron sa loob nito. Maganda na sana KASO-- bahay ito ng damuhong lalaking yun. Mas pipiliin ko pang tumira sa impyerno kaysa ang makasama siya! Tss wala nga palang pinagkaiba ang impyerno at ang bahay na yun dahil dun siya nakatira.
Magkakandaligaw na ako sa pag-uwi. Sobrang layo pala ng bahay na yun. Naubos ang ipon ko sa bag ko dahil sa paggatos sa pamasahe! Napakawalang hiya talaga ng lalaking yun!
"Tita!" lumingon naman siya. Pero ang weird nung bigla din siyang umiwas.
"Tita! Tita!" hinabol ko siya. Nagtaka ako ng makita ang mga gamit ko na nilalabas niya. "a-Ano pong ibig sabihin nito?"
"Tita sagutin niyo ako!" inalog ko ang mga braso niya.
Inalis naman niya ang pagkakahawak ko. Natatakot ako sa mga nangyayari..
"Simula ngayon hindi ka na dito nakatira. May bumili na sayo. Sa kanila ka na titira--" hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya.
"Bakit ninyo ito ginagawa sakin, Tita! Bakit kayo pumayag sa taong yun!!" pumatak na yung mga luha ko.
Tumayo si Tita at iniwasan ako.
"Simula ngayon hindi na kita kilala. Kaya umalis ka na." narinig ko ang pagsarado ng gate. Sinubukan kong habulin siya pero hindi niya ako pinagbubuksan ng gate kahit na anong gawin ko.
"TITA!!!" iyak ako ng iyak.
Naghintay ako ng isa-dalwa-apat na oras para pagbuksan akong muli ni Tita.
Kilala ko siya. Hindi niya ako iaabandon ng basta basta. Hindi siya yung tipo ng tao na isusuko ang lahat para lang sa pera. Hindi ako. Wag ako. Kami na lang kasi ni Tita ang magkasama sa maliit na bahay na ito. Pati.. nangako siya kay mama. Nangako siya..
Bigla na namang sumulpot ang itim na sasakyan na yun.
"Miss."
Tiningnan ko sila ng masama. Kinuha ko yung mga gamit ko at nagsimulang maglakad.
"Wag ninyo akong lalapitan."
Hinayaan lang nila ako. Dahil siguro yun din ang inutos ng lalaking yun. Pero sinusundan pa rin nila ako kung saan man ako pumunta.
Madami ng problema na nangyari sakin noon nung murang edad pa lang ako. Nahusgahan mismo ng mga mata ko ang mga paghihirap na dinanas ng mga magulang ko. Si Papa namatay sa heart-attack at si Mama namatay sa depression. Oo unfair sila dahil iniwan nila ako. Pero nangako si Tita na hindi niya ako pababayaan. At tanging ang maliit na bahay na yun na lang ang nananatiling alaala ng mga magulang ko. Kung tutuusin pwede naman akong iwan ni Tita noon pa at itigil na lang niya yung pagbabuy-and-sell niya, kasi pwede siyang bumalik ng probinsiya. Pero dahil nga sa may pangako siya hindi niya basta-basta bibitawan yun.
Kahit na parang siyang matandang menopause na. Porke't matandang dalaga kaya ang taray-taray. Pusong bato. At palaging mainit ang dugo. Ni wala nga sa bokubularyo niya ang salitang 'sweet'. Mas gugustuhin ko pa rin na tumira dun kasama siya.
Ayoko nito. Please tell me this is just a dream.
Tiningnan ko yung dalwang malaking lalaking yun na kanina pa akong binabantayan. Yung isa may kausap sa phone. Mukhang yung lalaking yun ang kausap nila. Dapat akong makatakas sa kanila. Nagawa ng lalaking yun na baguhin ang takbo ng isip ni Tita, siguradong mas higit pa dun ang magagawa niya.
Tumingin sila sakin. Minamanmanan nila ang ginagawa ko. Naisip ko na lumapit sa kanila.
"Sasama na ako." binaba nung isang lalaki yung telepono. Agad naman nilang nilagay ang mga gamit ko sa sasakyan.
"Pero pwede ninyo ba akong idaan sa pinakamalapit na cr. Sobrang layo ng byahe. Hindi ko na matitiis ito. tumango naman sila at pinapasok na ako sa kotse.
Nag-stopover kami sa may gasulinahan na may convenient store. Sinundan nila ako hanggang sa may malapit sa may pinto ng cr ng babae. Ang totoo iniisip kong tumakas. Kahit na anong mangyari kailangan mawala ako sa paningin ng mga taong ito.
Hindi ko alam kung paano sisimulan. Kung saan ako dadaan at kung paano ko gagawin ang balak ko.Gusto kong magsumbong. Pero wala ring kwenta yun.
20 mins. na ang nakakalipas..
Napatingin naman ako dun sa babaeng kanina pa ata akong napapansin. Parang naweweirduhan siya sakin na ewan. Bigla na lang may pumasok sa isip ko.
Humingi ako ng tulong dun sa babae na sabi ko mag-exchange kami ng damit. Pinaliwanag ko sa kanya na kaya hindi ako makaalis sa cr ay dahil may mga taong naghihintay sakin na gusto kong iwasan. Naintindihan naman niya ako at agad ding tinulungan. At nagpasalamat naman agad ako bago umalis.
Akala ko magiging maayos yung flow ng plano. Kaso habang palayo ako ng palayo, naghihinala naman ang dalwang malaking lalaki yun sakin kaya sinundan nila ako. Hanggang sa naconfirm nila na ako nga ito.
"Miss, sandali!" takbo ako ng takbo.
"Please! Hayaan ninyo na lang ako!" takbo ako ng takbo hanggang sa mawala na din sila sa likod ko.
"Ha.Ha.Ha." hingal na hingal ako.
Akala ko wala na sila---
"Patawad po. Pero kailangan mong sumama samin."
"Bitiwan ninyo ako! Bitiwan ninyo ako! AHHH TULONG!!" agad nila akong dinala sa sasakyan.
Pilit akong nagpumiglas at lumaban.But in the end ako pa rin ang talo dahil sa bagay na naman na yun na pinaamoy nila sakin.
Nagising ako.. nakita ko na lang siya bigla sa harap ko.

"Anong ginagawa mo!" takot na takot akong niyakap ang sarili ko. Napansin ko na lang kasi na nasa kama niya ako.
Medyo malayo siya sakin. Ganon pa man nasa iisang kwarto pa rin kami.
"BAKIT MO BA ITO GINAGAWA!!" ganon pa rin yung reaction niya at parang wala siyang pakealam.
"Hindi ko alam. But I should keep you by my side para malaman ko ang dahilan." tumayo naman ako.
"Nahihibang ka na talaga!" sinubukan kong tumakas. Pero nakaharang na naman yung dalwang malaking lalaki na yun sa pinto.
Tiningnan ko ang buong paligid. Ang laki ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ako lalabas.
"Just accept it. You can't escape from me." sinubukan niyang lumapit sakin kaya lumayo ako.
"Stay. Pagnalaman ko na ang gusto ko sayo, ako mismo ang magbabayad sa lahat ng nagawa ko." umalis siya pagkatapos.
Biglang nanghina ang mga tuhod ko.Takot na takot na talaga ako..